Different Types…..

…Ng Manliligaw

PAUNAWA
Ang mga sumusunod na deskripsyon ay kathang isip lamang, kathang isip na hango sa katotohanan. Kung tinamaan ka man, o sapul na sapul, o headshot, o kahit ipinagkakalulong na ang kaluluwa mo dahil sa mga sinulat ko, e wala akong paki. Ang tanging layunin ng sulating ito ay magbigay ng aliw sa mambabasa, magnakaw ng ilang minuto, ilang oras sa buhay mong napakabusy, magpangiti, magpatama, mangantyaw, mangunsumi, mangulangot, magpaiyak, mambalakubak, at magbukas ng mga nakasaradong kokote. Kung kabilang ka man sa tribong tinutukoy ko, e manahimik ka na lamang sa isang sulok at magbasa. O kaya itapon mo na lang to, chaka ka magpatiwakal. (APPLAUSE)

ANG MGA SUMUSUNOD NA TRIBO AY
KATHANG ISIP LAMANG. PRAMIS. :

Magshota:

–> HHWW sabay plano kung anong klaseng kasal, saan ang honeymoon, ilan ang gustong anak, at anong posisyon. Joke lang.
–> Mag-aaway. Magbabati. Mag-aaway. Magbabati. Mag-aaway. Magbabati. Mag-aaway. Magbabati.Mag-aaway. Magbabati. Mag-aaway.magbabati. mag-aaway. Magbabati. Mag-aaway. Magbabati.
–> Mag-aaway dahil di nagpaalam si babae na pupunta siya ng C.R.
–> Mag-aaway dahil nakipag-usap si lalake sa babaeng kambing. Nagselos si babae.

Torpe:

–> Makakasalubong ang nililigawan, which will cause him to enter the stage of Tachychardia. Aatakihin sa puso. Maninigas ang dila na kahit anong pilit mong magsalita e para kang tiningnan sa mata ni medusa at nagging bato na ang dila mo. Para kang sinuotan ng straight jacket kaya di ka makakilos kahit parang gusto mo na siyang sunggaban mula sa likod at isigaw sa tenga niya within 1000 decibels na mahal mo siya.
–> Makakasalubong ang nililigawan, which will cause him to enter the stage of Tachychardia. Aatakihin sa puso. Maninigas ang dila na kahit anong pilit mong magsalita e para kang tiningnan sa mata ni medusa at naging bato na ang dila mo. Para kang sinuotan ng straight jacket kaya di ka makakilos kahit parang gusto mo na siyang sunggaban mula sa likod at isigaw sa tenga niya within 1000 decibels na mahal mo siya.
–> paulit-ulit lang. paulit-ulit lang. parang deja-vu. parang deja-vu. Sa inaraw-araw na ginawa ng diyos. Sa inaraw-araw na ginawa ng diyos. Maninigas lang siya na parang bato sa sulok. Habang yung nililigawan niya e ikakasal na sa bespren niya.

Two timer:

–> nagagalit kapag pinagdududahan ng girlpren o boypren nya.
–> Dakilang writer. magaling sa paggawa ng storya. Kung ikukumpara mo kay Sidney Sheldon, J.K Rowling, Bob Ong, Hans Christian Anderson, J.R.R Tolkien, at sa barbero, para mong kinumpara ang two timer sa retarded dahil sa galing nitong magpalusot este gumawa ng storya.

Ilusyunado/ Ilusyonada:

–> Mga taong nabubuhay sa mundo ng mga Unicorns, Fairies, Dwarves, Dragons, Mermaid, Shokoy, Tikbalang, Manananggal at Undin. Nakatira sa mundo kung saan lahat ng imajinin mo pwede. Kaya lang, hanggang imajin ka lang.
–> Kung anu-anong kinikwento sa mga kaibigan na taliwas sa katotohanan, mga kwentong napakaimposibleng mangyari.
–> Ang hobby niya ay pangangarap.
–> katulad ni Two timer, magaling rin silang gumawa ng storya. They mostly write about “Fantasy”

Stalker:

–> eksperto sa paggather ng data, kahit pinakamaliit na impormasyon gaya ng kung ilan ang alaga niyang kuto sa buhok niya, anu-anong species, ilan ang mga galamay nito at kung gaano sila kabilis magmultiply araw-araw. Pati schedule ng menstruation cycle kabisado nila.

Basted:

–> Kung ang linya niya ngayon e: “Angel ba pangalan mo? Kasi you look like one.”
Pag nabasted: “P()T@a11g Babae yan! Balita ko may lahing mangkukulam daw yan e! buti na lang di ako sinagot noh? noh?!”
 Maga ang mata, namumulang ilong. Nag-uusap kayo ng tungkol sa Ghost Fighter tapos bigla bigla na lang mapupunta ang usapan nyo sa mga bagay tulad ng kung gaano kasarap panoorin ang paglubog ng araw, ang mga huni ng ibon, pagaspas ng mga dahon, pag-agos ng ilog na animo’y awit na kumukurot sa bawat puso ng kung sino mang makakarinig nito. Tapos iiyak.

Obsessed:

–> Mas mataas ng kaunti ang breed ng tribong ito kesa sa sa mga Stalker. Bukod sa pareho silang magling sa paggather ng data, infos, at chismis, mas harmful ang mga kasapi sa tribo nito.
–> Simple lang ang kaligayahan nito sa buhay. Masinghot lang ang panghi ng ihi ng iniirog niya,
Malanghap at mayakap lang ang upuang inupuan ng labs niya, mapadaan lang sa street na dinaanan ng crush niya, madampi lang ng hangin na humaplos sa mukha ng iniirog niya e pwede na niyang wakasan ang buhay niya sa sobrang saya.
–> kung makakaexperience ka ng close-encounter sa tribong ito, wag kang magugulat kapag nakapasok ka sa kwarto nila, dahil normal na sa kanila ang paglalagay ng ginupit na kuko, hibla ng buhok, libag, balakubak, at kulangot sa Zip lock na plastic na galing pa sa mga kinababaliwan nila. At kung mayaman ang tribong nakasalamuha mo di malabong pati DNA structure nito e pinag-aaralan niya.

Friendster:

–> kinakaibigan (binebespren) muna bago ligawan. Gaya ni blah blah at blah blah blah blah blah blah blah blah blah bablagah, bleh blah blah badah! Blah blah blah.. blah! (ANG PARTENG ITO AY SADYANG SINENSORD PARA DI MAKILALA KUNG SINO ANG MGA GUMAGAMIT NG GANITONG PARAAN/ISTILO AT KUNG SINOSINO ANG MGA KASAPI SA TRIBONG ITO.) (FADE OUT..)

…Ng Pagibig

types ng lovelife – tamang trip lang

truly, madly, deeply – sa panahon ngaun, mailap na ang ganitong type ng love.. kng dahil ito sa technology advancement e ndi ko alam.. eto pa nman ung love na tamang tama.. ung buong buo at wala kang kahati.. ung may sarili kaung buhay ng karelasyon mo at may sarili ka ring buhay.. un nga lng, iilang tao lang ang maswerteng nakakahanap nito.. well, ndi rin nman dw ito hinahanap sabe ng iba.. kusa raw itong dumarating.. e panu kng napakawalan mo na..

ang pagmamahal ni san lorenzo ruiz – ang martyr.. aminin man natin o hindi, nakakatanga ang love.. ung tipong ilang beses ka ng niloko.. tatangapin mo pa rin lahat ng palusot nya.. ung kahit na mukha ka na lng robot o genie e sha lang ang master mo.. kung anu cnbe nya, un na un.. wla kang choice.. sha lang.. un lng ung choice mo..

oldies but goodies – mga lovelife ng merong may-december love affair.. ung tipong old enuf na ung partner mo to be your mom, dad, aunt o uncle.. ok rin dw to sabe ng iba kc at least ndi ka na makikipag buno sa mga ka-immaturan at pagiging isip bata ng partner mo.. at shmpre, iba rin un marami kang natututunan sa partner mong mas nkatatanda…ang hassle lng dto e prone ito sa instant family shit.. ung iba may anak na from nkalipas, na shmpre.. mahirap tanggapin lalo ng ng family mo..

telenove-love – ang pag ibig na ndi nawawalan ng eksena.. paboritong pag usapan ng barkada mo kc nga, kung ndi man ikaw, ung partner mo ang papampam.. andung kapag nag away e naghahabulan kau like crazy at nagsisigawan na parang wla kaung ksama.. ung tipong iiyak ka kht maraming tao and stuff.. bsta.. telenovela ang dating..

online love (ldr na high tech) – not necessarily na ldr pero dto nman tlg nauuwe ang ldr.. sadly.. ang love na napuno ng mga emoticon.. ang love na nakakapag palabo ng mata lalo na kng wlang protective thing ung screen ng laptop o desktop mo.. ang love na nkakapag palaki ng eyebags lalo na kng malaki ang time diff nyo ng partner mo.. ang love na mahirap patunayan.. dahil ndi porket lagi kaung mgkausap/chat/tx or skype.. mahal ka tlg nya.. gets??

ldr (old school) – wla mashado nito ngaun.. ung tipong may snail mails.. may surprise gifts from the other side of the world.. surprise visits.. at halos lhat ng surprise.. ung kht na ndi kau mashadong nakakapag usap pro kpg nkapag usap kau, e wow… pro shmpre, dhil sa teknolohiya natin ngaun, pauso ko na lng to… ahahaha.. pwde nman magpdala ng online na rose sabay emoticon na *hugtyt*

gay/lesbian love – sbe nila lalo na pra sa lesbians, ito lng dw ung mga babaeng na-trauma dahil niloko ng mga bf.. ewan ko kng totoo.. pro may mga gnitong type ng rel na nagtatagal nman tlg.. kasalanan ba ung magmahal.. ndi nmn.. may mga tao ngang kahit galing na sa isang straight na relationship, mas nagiging masaya sa bent..

switch – ang love na on and off.. marami nito lalo na sa panahon ngaun.. maraming tao ang magulo pa ang isip kesa sa gulo ng gobyerno sa pinas.. ndi na rin ata uso ang pasensha ngaun at ang alam na lng ng tao na pasensha e ung nkakain.. kya aun, madalas, away bati.. on at off..

nosebleeding love / foreign love – ang pagmamahal na nkaka nosebleed.. dhil shmpre, pocahontas at john smith ang dating.. mauubos ang english na napag aralan mo mula gradeschool kpag ibang lahi ang partner mo.. swerte mo kng marunong kang magsalita ng lenggwahe nila (kng ndi sila kano)..madalas din mapulaan ang lovelife na ito kc shmpre.. magmumuka kang manggagamit.. pra sa greencard? pra sa pera? o sa trabaho? o bsta, pra sa mas magandang buhay?

forever friends – ang pinaka mahirap sa lahat.. mdrama.. pro kadalasan, sarili mo lng ang ka-eksena mo kc ang tanging role mo lng sa story ng buhay nya e bilang isang malapit na kaibigan.. lahat ng trash nya e nkikinig ka.. lagi kang nasa tabi nya.. ikaw ang unang nakakaalam kpg magkaaway sila ng taong gusto mong agawin ang pwesto sa buhay nya.. pro ang ending, pipiliin nyo pa rin ang friendship..

at lastly.. ung tinatawag na (quote from the L word) ang show-mance.. tipong mga pakitang pag ibig lang.. para lang mapaniwala ang certain people.. lam nyo un.. gnun.. kadalasang nangyayari sa showbiz..

1 Comment

  1. danda n2 ..

    ahehe !

    ailabit !


Comments RSS TrackBack Identifier URI

Leave a comment